Monday, June 3, 2013

Doon Po Sa SaintsKo Alabang --Act 1, Scene 2 -- With Fond Memories--


Doon Po sa Saints Ko – sa may Alabang na sossy ang mga nakatira!

Act 1, Scene 2 --

Mendez House, morning: Makikita si Mrs. Mendez, naghahain ng breakfast na cereal and bacon.

Mrs. Mendez:  Manuel, baba na rito at ma-lalate sa eskwela.

Manuel: (galing sa hagdan, parampa ang hakbang)  Ma, be sincere in fairness, sino ang mas maganda, si Cecile o ako?

Mrs. Mendez: Malandi kang bata ka. Kahit ano pa gawin mo, lalake ka pa rin kahit anong gawin mo sa buhok mo, kahit ipa-kalbo mo pa, hindi ka si Bembol Rocco, sumalangit nawa,  echosera ka!

Manuel: Si mommy naman, ay naku, hello, I am Miss Gay sa buong Metro Manila, anong sinabi ng mga Miss Universe hopesfulls saken?

Mrs. Mendez:  Manahimik ka, hubarin mo ang bra ko at pag nakita ka ng Daddy mo tatagain ka!
Manuel: Hindi mo talaga ako ma-gets, not a trace of love, kindness, accepting and understanding. As in hindi mo nakikita ang aking true meaning.
Mrs. Mendez: Ay busy ako sa listahan ng bibilhin ko sa Hongkong kaya puwede bang bukas na tayo mag-drama?
Manuel: Sige, ok. Basta wag mong kalimutan ang Burberry kong messenger bag tsaka Victoria Secret bra, size D-E-F-G!
Exit--

Duran’s House, same morning:

Dr. Duran: Daphne gusto kita makausap. Ano itong sinabi ng mama mo na nahuli ka ni Sister Agatha.
Daphne:  Exaggeration lang yon.
Dr. D: Ang alin?

Daphne: Kasi ganito yon, ok na lang, wag na akong mag-aral don,  Pa. Sobrang sungit ni Sister Agatha, bruja, hayop sa jefeks pag  may nakita xha e sya nga itong…

Dr. D:This has nothing to do with her, it has something to do with you. Bakit may girlfriend ka, uso na ba ngayon yan?
Daphne: Sa America at sa Canada pwede nang magpakasal ang mga parehong sex, Pa.

Dr. D: Bakit Americana kaba? Canadian ka ba? HIndi ito Alabama. Alabang pa lang tayo.
Daphne:  Hindi pa nga, pero yun ang gusto ko sa future ko.

Dr. D:  Husayin mong mag-aral para makapunta ka ron at sa ngayon ay second year high school ka lang kung ano-anong kahihiyan at kahibangan ang ginagawa mo.
Daphne: Can I say something, Pa? Di ba sabi mo, always fight for what you think is right and yours? So pinaglalaban ko lang na ako ay ako. Ito ako, Pa, I am trapped. Ito ako!

Dr. D: Baka nalilipasan  ka lang ng gutom. Yaya Marie, pakainin mo itong putang inang Mam Daphne mo at kung ano-anong ginagawa pag nagugutom!
 Marie: Sabi po ni Mam Ma'am sir, daanan ninyo yung gamot nya sa gout, sir!
Dr. Duran: Marie, pakainin mo si Mam Daphne mo at nahihibang.
Marie: Mam Daphne kain ka na. Ano gusto mo scrambled egg, fried egg, daing, sinangag, pandesal?
Daphne: Ano meron yaya?
Marie: Ano, pritong saging na saba tsaka tocino lang. Gusto mo ng cafe Daf?
Daphne: Oo sige.
Marie: Ay walang kopi.  Ano na lang..teka, Manang Rosing, ano meron, walang kape??!!
Manang Rosing: Wala, Lipton tea, impurted sabi ni Mamam, masarap daw!
Marie: Gusto mo ng tea, Daf?
Daphne: Gusto ko kayang sakalin ka at ibigay kay Sister Agatha!

_____Haaaay….abanga an susunod na eksena.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment