Tuesday, June 4, 2013

Doon Po SaintsKo Alabang-Act 1 Scene 3 Na --Ampon lang ako ano, mommy??


Doon Po sa SaintsKo-Alabang, Act 1, Scene 3 na!!

Mendez House

Gng. Mendez:  Cecilia, baba na! Yaya, puntahan mo sa taas si Mam Ces mo.

Yaya Maricel: Mam Ses, baba na, bilis, nagagalit si Mam!!!!

Gng. Mendez: Yaya,  pumanhik ka at nakakabulahaw ka sa kapit-bahay!

Marie: Ay sorry Mam!  (Going upstairs, sumisigaw pa rin) Mam Ses!

Cecile comes down:

Gng Mendez: O bakit isang bakol ang mukha mo, aber?

Cecile: Wala lang. Di ba puwedeng tumahimik ang tao? Bakit, may ordinance ba rito sa Alabang na di puwedeng manahimik? Wala lang. Wala!

Gng. Mendez: Hoy, Cecilia wag mo akong wala-walain lang. Ang lakas din ng loob mo.  Para kang lalaki .  Kami ng Daddy mo ang binibigyan mo ng problema tapos ikaw pa ang nag-iinarte?

Cecile: Ayun, nakana mo,  lalaki nga. Teka lang, magsabi ka nga ng totoo. Ampon niyo ba ako ni Daddy  o tunay mong inanak? Anak ba ako ng maid or pokpok sa Malate?

Gng. Mendez: Ano kamo, putang in aka an gaga mo akon ginagalit ha?

Manuel: Stop it.  Sister love,  ako ang ampon kasi tingnan mo, mestiza ako, di ba ‘My ? In fairness, ako ang  putok-sa-buho! Dugong bughaw na nasalihan ng dugong G-R-O!  

Gng. Mendez: Manuel tumigil ka!

Manuel: Di ba totoo naman,  my sister love is morena, ako mestiza, obvious na obvious.  Venus Raj versus Ruffa.   Either hindi ako anak ni Mommy at si Daddy lang ang tunay kong…

Gng Mendez: Leche ka Manuel ang  aga-aga kang…Tumigil ka sa katarantaduhan mo.

Manuel: See, yan na nga  di ninyo matanggap na isa akong pusong mamon na medaling magtampo at masaktan? Ano yon, you are just tolerating me, pero deep in your heart….

Cecile: Tanggap ka nyan, Famas nga tanggap ka yan pa? Binibili ka pa nga nyan ng lip gloss, akala mo di ko alam? Favorite ka nyan! Di ba totoo naman? Bakit pag si Manolita may hiningi, bigay agad! Ano ba ang problema rito?

Manuel: Manolita, darling? How insulting. Please lang, Manon, Manon, oh-kay?

Gng. Mendez: Cecilia, stop it.  You know,  pilit ka naming pinapalaki ng tama. Kung itong kapatid mo ay may pagka-bading alangan namag maging tibo ka naman, punyeta ka!  Hindi mo ba naiisip na nakakahiya yun?  Palpak ka pala e.  Tsaka, okey na kung bading, uso yan! Tingnan mo nga ang mga mass comm, puro bading puro successful!

Cecile: You should hear yourself. Totoo ka Mommy?  So kung maging sikat din ako, puwede na rin akong magladlad na gay ako? That is stupid.  Sabi mo sa akin non, be yourself.  I am being myself.  Bakit ba ako na lang lagi ang nakikita rito? So unfair!

Mr. Mendez:  Ang iingay ninyo—ano ba ang nangyayari ditto at ang aga-aga ninyong nag-aaway na mag-iina?

Yaya Maricel: Nagalit si Mam Cecile kasi bakla si Manoy pero binilhan ni Mam  ng Bath and Body Works! Pero ayaw din ni Mam na si Manoy maging bakla,pero no one’s choice na xha. Nagalit si bakla…

Mr. Mendez: Balik sa kusina, Yaya!  Balik!  Isa ka pa!

Manuel:  Manon, putah ka, hindi Manoy

Yaya Maricel: (sisingit) SABI NI Mam Ses AMPON DAW SYA KASI VENUS RAJ kutis niya,  Si Sir Manong, RUFFA!! (realizing the silence) Opo Sir, gusto mo ng kopi? Ay walang kopi, tea impurted.  Sorry po.

 

Exit Marie to kitchen—Black out

 

Meanwhile:  At the DURANs

Mrs. Duran: O nasan na ang Sir Elmer ninyo? Gisingin na at may taping pa yun.

Yaya Marie:  Gising na mam, nakipag text lang muna sa boypren.

Mrs. Duran: Ano, paano mo naman nalaman?

Yaya Marie:  Wala lang, haka-haka ko lang po. Ganun sa teleserye ka text boyfriend!

Elmer: Good morning! How is the most beautiful mom in the world?

Mrs. Duran:  Elmer, ‘Nak, anong time ang taping mo?

Elmer: Mga noon time.  Yong kotse, ‘ma, may sira ang aircon,  wala akong time pagawa. Nanjan ba si Daphne?

Mrs. Duran: Umalis na pero uuwi yon mga 3pm. Papick up ko sa kanya gusto mo?

Elmerl: Pwede rin.  Ma, ano bang pinag-aawayan ninyo? Sabi ni yaya Marie, may intriga raw.

Mrs. Duran: E ang putragis na kapatid mo, nakikipaghalikan sa hallway ng chapel sa school, nahuli ni Sister Agatha. Pinapatawag tuloy kami ng Dad mo.  Puro kabalbalan, masasabunutan ko na.

Elmer: Mommie dearest, wag kang manabunot. Ka-wah poise yun.  Baka naman ine-eklat lang kayo ni sister Maruja Agatha!  Mutual mutual lang yang si Daf.  She is only 14, 15?  Let her be.  Ako kasi Ma, 4 years old pa lang ako…

Mrs. Duran: Iba ka naman Elmer, pero di ko na yata kaya….(tahimik na a la Lorna T, pero tahimik, ok?) Tapos Sisigaw bigla: Di ko na kayang dalawa  kayong nagkapalit. Ikaw gusto mo lalake, si Daf naman gusto babae.  Ano ba naman, pinaparusahan ba ko ni Lord? 

Elmer: Bakit ma, parusa ba yon, e di ba bigay kami sa yo ni Lord, di ba?  O di kaloob nya lahat yan,  so hindi mo ito kasalanan…Kasalanan ito ni Lord!

Yaya Marie: Praise the Lord!

Elmer: Yaya, ang ganda mo.

Mrs. Duran: Yaya, itapon mo basura, katitera ka!

Yaya Marie: Manang Rosing, tapon mo raw basura! 

 

----------------------Black out--------------

No comments:

Post a Comment