Wednesday, May 29, 2013

Doon Po sa Saint's 'Ko, Alabang -with fond memories--masama bang magmahal?


Spoof of "A day in the life..." in" Doon Po Sa Amin"  

Madilim…nasa magkabilang windows sa  kanilang monster houses sina Daphne at Cecile sa  Alabang (basta don sa sosyal na community don sa Pilipins). Medyo kasi they can see and talk to each other from their windows or kahit over the bakod na lang…whatever!


Daph: Ces, ang ganda ng buwan, putangina!

Ces: Yes nga ano.  Wait, naririnig mob a yun?

Daph: Alin, yung car?

Ces: Hindi, parang nagdadabog.  Baka mommy ko.

Gng. Mendez: Hoy Cecilia, BUMABA KA RITO!

Daph: Galit mommy mo.

Ces: Tinawagan ni Sister Celeste at sinumbong tayo ng putang si Mate na nakita raw tayo nagtsup-tsupan sa hallway.

Daph: Susuntukin ko yan bukas!

Ces: Yaan mo na, hmp, naiingit lang yun kasi you broke off with her to be with me. Tabachichi naman ang ex mo eh.

Gng. Mendez: Cecilia Belmonte, bumaba ka rito at baka…. YAYA, pababain mo si Cecilia!

Ces:   Teka muna, ha, basta  later, balik ka rito para malaman mo kung ano nangyari.  Bukas naku, baka ma expel tayo?

Daph: Bakit, bawal ba magmahal, kundi pa biyaning si Sister Celeste. Sabi ni Maritz nakita nila yun kissing scene with Sister Agatha. HAHAHA, ipokritang madre…

Yaya:  Mam Ces, baba ka na raw po sabi ni Mam-mam. Gusto mo, mam ng hair bods?
Ces: Ano naman yun yaya, para saan?
Yaya: E para di mo marinig ang tili ni Mam!

--------------------------------------------------------------------------------------------

A voice in the background from Daph’s house:

Gng Duran: Hoy, Daphne Marie, bumaba ka nga rito, bilis!  Bilis!

Daph: Busy ako, mommy!

Gng Duran: Pag di ka bumaba, NOW NA! NOW NA!   You want, papanhik ako jan? Enteng, Enteng, pababain mo yang anak mo.

G. Duran: Julie, bakit ba at nang-gi-gigil ka jan?

Gng Duran: Ang anak mo, punyeta, tomboy!!!  Tumawag si Sister Celeste!

Cecile and Daphne: Oh eM Gee,  lagot na,  lagot! Sige later na lang! Yaya, sabihin mo anjan na. Nasan ang ear buds, bilis!

---------------------------------------------------

Mrs. Mendez:  Maldita ka Cecilia, pinag-aaral ka and what do you do, puro ka kakirihan. Tell me what happened, tell the truth. 

Cecile: Ma, ganito yan, okay, kaseh, okay, kami ni Daphne, best friends, pero we really like each other like you know , ma, 2013 na ngayon. 

Mrs. Mendez: I do not understand, I do not understand!  Ano kung 2013, so ano ngayon, t-bird ka ba?

Cecile: Uso pa ba yang tawag t-bird t-bird na yan? Hindi, ano? Ewan, Basta ang alam ko I like being with Daphne all the time. Like parang yeah, like if I like a boy, and she is a boy, I will be his girlfriend. We were just being affectionate...
Mrs. Mendez:  Ano ka, hibang?  Hindi puwede!  You are our only daughter and hindi puwedeng lesbiana ka!

Cecile: E bakit si Manuel bading, okay lang sa iyo 'ma, dala pa nya ang Coach bag mo?

Mrs. Mendez: Iba yun, ang kapatid mo, director sa GMA!

Cecile: Bakit iba yon, bading pa rin yon at ako kung biyaning ako, dapat respeto nyo rin ang feelings ko.

ENTER MR. MENDEZ:

G. Mendez: Anon a naman ang pinag-aawayan ninyo, na naman?

Mrs. Mendez:  Enteng, maloloka ako sa mga anak natin. Si Manuel may boyfriend na newscaster, itong  isang ito naman, nahuli daw sa Saints Ko chapel hallway na kahalikan ang anak ng neighbor natin na si Daphne.

G. Mendez: Hayaan mo na at nakakalimutan mo na ba?

Mrs. M: ang alin? Sabihin mo at aatakihin na ako rito, Enteng! Lord, alta presyon na yata ako. Yaya! Get me some ice, hihimatayin ako, bilis! YAYA!!!!!!  Ano ba, bring me some ice, some brandy, basta, basta, I am going to die! Ang puso ko, naku!

G. Mendez: nong araw, di ba?  Di ba pareho tayo?! Mutual mo si Minda, ako naman si Archibald sa ROTC. O nakalipas din…nagkakilala tayo sa interscholastic sa La Salle.
Cecile: Wow, itong si Mommy, hipokrita!

Mrs. M:  Enteng, ano ba, hindi mo yan dapat sasabihin kahit kanino! YAYA, tawagan mo si Dr. Dela Rosa, magpapa-hysterectomy ako at nakaka-hysterical ang mga anak ko!

Yaya: Mam eto na po, Tylenol po ba or stool softener! Ay, sige, tawagan ko na po si Dra. Belo po, di ba? Para buttocks, pampa-alis ng sibangot mo Mam?

Mrs. Mendez: Isa ka pa yaya Luzviminda. Ikaw pa lobotomy ko sa kagagahan mo!
Yaya: Mam, di po ako tomboy, kaya di ko kailangang ng opera. Ang love ko po si Jake Cuenca, haaay!

-------------------------

AT THE DURANS

Dr. Duran: Daphne, why did Sister Celeste call today…I want to hear from you, directly.

Mrs. Duran: Magsabi ka ng totoo sa amin ni Daddy.

Daphne:  Mahal ko si Cecile.

Dr. Duran: Who is Cecile?

Mrs. Duran: Yung anak ng taga-kabila.  Anak ng kapitan ng barko.

Daphne: Yes po.

Mrs. Duran: O ang bait bait mo non pala may secreto kang nakakahiya? O ano nangyari?

Daphne: Bakit mommy nakakahiya bang mag-mahal?  Ang masama yung pinipilit mong mahalin  ayaw naman sa iyo. Wala, we just lip locked lightly lang, ano ba exxagerada yang si sister Celeste!

Dr. Duran: Hija, hindi ba puwedeng sa lalaki na lang magmahal?

Daphne: Dad, hindi puwede, kasi guy na guy ang feeling ko.  Kahit nyo pa ako itakwil, eto ako, pusong  matatag. Gagawin mo pa akong bakla pag sa guy ako pumatol.

Mrs. Duran: Naku, Daphne Marie, patawarin ako ng Diyos.  Baka dala lang yan ng  kakaka-work out mo, nagkaroon ka lang ng konting muscles, you think you are a man? Ano akala mo, pogi ka?  Punyeta ka, Enteng ang anak mo, sira ang ulo!

Daphne: Ano bang pinagsasabi mo Mom?

Mrs. Duran: Ang sinasabi ko Daphne Marie, punyeta ka,  ikaw sunod ang lahat ng gusto mo,  lahat! Walang hindi naming binigay sa iyo, and now sasabihin mo gusto mo babae rin! Ano ka, lesbiana?

Daphne:  HIndi po, bakla.  Ano, di parang ganun na nga, 'ma. Ganon na nga.

Mrs. Duran: Parang ganu na nga ha, parang ganito (she throws her tsinelas at Daphne)
Dr. Duran: Julie, let us calm down at baka  nalipasan lang nga gutom itong batang ito. Patingin nga ng mata mo, o maputla nga, Daphne, you need to eat more protein dahil ang taong gutom, nasisiraan.

Daphne: E bakit si kuya Dan okay lang na silahis?

Mrs. Duran: Putang ina ka, 'lika nga rito, anong silahis-silahis?

Daphne: Bakit ma, di mo ba alam ang unico hijo mo, silahis! Ayun, ginagamit ang  Marc Jacobs Daisy cologne mo! Hahahaha, wow, ang favorite mong anak…paano na kayo ni Daddy, puro kabaklaan pala kami ni Kuya?

Dr. Duran:  Wag kang magsalita ng ganyan at mula ngayon, wag kang magkalat sa Saints Ko. Ililipat ka naming sa Saint Poll's!

Mrs. Duran: What a great idea.  Bukas na bukas din sasabihin k okay Sister Celeste na tapos na an gating contribuciones sa school nay an.  Dahil let us face, it puro lesbian ang students nila gaga ka lang Daphne at nagpahuli ka, kundi ka ba naman sira?
Dr. Duran: Everything is fine, we just you to be honest.  Kung  ganun e ano ang magawa namin ng Mommy mo.

Later bago mag midnight:


Daph: Ang super bango naman ng sampagita!

Ces: Alaga ni Mommy yan, baby nya yan.

Daph:  Cecile, ang ganda ng buwan o, titingin-tingin pa sya sa atin…meron din nyan sa  Canada.

Cecile:  Ang corny mo, siempre, someday don tayo para walang drama—ang sabihin mo, malisyosa ang buwan nay an!  Sige, text mo na lang ako kung ano mangyayari ha. Tsaka, huy, pag nasa Saint P ka na e di mas okay para maiba-iba naman di ba?
Daph: O nagpa doodles ka na naman jan, tapos iiyak-iyak…

Cecile: Ulul!

 

------------Abangan ang susunod na kabanata….

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment